Bilang panimulang pangungusap sa sulating ito, nais ko munang ipahiwatig sa mga mambabasa na sa talang ito, gagamit ako ng wikang aking kinagisnan. Ito ang Wikang Filipino.
Ang mga susunod na ipapahayag ko sa sulating ito ay ang ang aking kanranasan, mula sa aking alaala, sa naganap na pagtatanghal. Ang pamagat nito ay ang pamagatan din ng sulating ito.
Para sa simula, di ako mahilig manood ng mga pagtatanghal. Nais ko muna itong ilabas sa aking kalooban. Ito ang totoong saloobin ko. Dahil may mas magaganda pa akong naisip na gawin kaysa manood sa isang tabi ng isang malaking tanghalan at panoorin ang mga talento na kasalukuyang ipinapalabas sa tanghalan. Walang bago, at ang mga palabas sa telebisyon, lalo sa mga lokal ng programa, ang aking patunay sa opinyong ito. Ngunit, nang ako'y bigyan ng tiket ng aming guro sa Filipino para sa panonood ng isang tanghalan, sa simula ako'y nagtaka. Bakit ako papapanoorin ng isang bagay na ayaw kong gawin. Nang nalaman ko na para ito sa asignatura, nagbago na ang isip ko, kaya nagbayad ako para sa tiket at hinintay ang araw ng pagtatanghal.
Dumating kanina ang araw ng pagtatanghal na para sa asignatura ko. Alas-sais y'media pa lang ng gabi ay umalis na ako mula sa aking tinitirahan upang manood nito, na nakalagay sa tiket ay sa alas-siyete ng gabi. Umalis ako ng kalahating oras na maaga sa oras ng pagtatanghal at nakarating sa lugar ng kinse minutos na maaga. Sa pagtapak ko sa gusali, may mga napansin akong mga kaklase ko na manonood rin ng tanghal. Di ko malapitan para marinig kahit isang saglit kung anong pinag-uusapan, pero pinawalan-bahala ko na lang at dumiretso sa pasukan ng lugar ng pagtatanghal.
Pagpasok ko, napansin ko na di lang mga mag-aaral ang nais manood. Pati bata, matanda, o kahit isang simpleng taong nakasapin, handa nang makinig at manood. Mukhang interesado na ako sa tanghal sa puntong ito.
Nagsimula na ang pagtatanghal.
Wala akong masabi tungkol sa tanghal pagkatapos ng dalawang oras. Ang talento ng pag-awit ng sabay-sabay, may pagkakaisa at pagkakatugma, and nagdala sa akin sa kaibuturan ng loob ko. Maganda pala ang panonood ng isang teatro. Sayang at walang karugtong ang pagganap, dahil hanggang bukas na lang ito. May lakad kami ng pamilya, yun ang dahilan di ko ito muli makikita at maririnig.
Narito ako ngayon, pag-upo sa silya at may hawak na panulat at kaharan na papel. Dito ko isusulat ang aking Midterm Paper para sa asignaturang ito, at ito ay tungkol sa pagtatanghal na pinuntahan ko gamit ang tiket na binayaran ko.
Saturday, October 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment